Sa buwan-buwan na monitoring ng shellfish products na isinasagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 1, nananatiling red tide free ang mga shellfish at alamang na nakukuha mula sa mariculture areas ng Infanta at baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos City, at Bani maging sa mariculture area ng Rosario at Sto. Tomas, La Union.
Nangangahulugan ito na safe for human consumption ang mga naturang produkto.
Kaugnay nito sa ilang nagbebenta ng talaba sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan, mula sa nakasanayang malaking lata bilang panukat sa ibinebenta, diskarte nilang ibenta ito gamit ang palanggana at nagkakahalaga ng P150-P200. Nagkakahalaga naman ng P130-P150 ang kada kilo ng bangus, bahagyang bumaba sa kabila ng kasaganaan ng suplay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨