Tumaas ang singil sa kuryente ng Dagupan Electric Corporation o DECORP ngayong buwan ng Setyembre kahit na bumaba ang generation charge.
Pumapalo sa 30 centavos ang dagdag sa singil kada kilowatt hour na siyang bahagyang nakaapekto para sa mga consumer.
Ayon pa sa DECORP, sila ay pass-through charge kung saan nagbabayad din ang mga ito ng ancillary charge ng National Grid Corporation.
Dahil dito, ilang konsyumer na ang kaniya kaniyang diskarte upang makatipid sa bayarin ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments