π—¦π—œπ—¬π—”π—  π—žπ—”π—§π—”π—’, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—¦π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¬ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—¨π—š π——π—˜π—‘ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—–π—”π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—”π—’

Umaabot sa siyam na katao ang naaresto ng mga awtoridad sa sinalakay na Drug Den sa bayan ng Calasiao.

Sinasabing mag live-in partner na umano’y maintainer ng nasabing drug den ang target ng operasyon kaninang madaling araw.

Ikinasa ang operasyon maga-alas dose ng hatinggabi at umabot ng madaling araw kung saan ay naabutan ang pitong iba pa na nagpa-pot session.

Nakakuha sa lugar ng aabot sa labing tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng labing tatlong gramo at nagkakahalaga ng halos β‚±90,000 kasama pa ang illegal drugs paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa mga suspek. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments