𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang isang babaeng tinago sa pangalang alyas “Myrna” dahil sa kasong estafa.

Si alyas “Myrna” ay residente ng Brgy. Caviernesan, Mangatarem. Napag Alaman sa Crime Information Reporting and Analysis System, patong patong na kaso ng estafa mula sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan ang nakasampa laban sa suspek ngunit ilang beses din itong nakalaya dahil nakapag-piyansa.

Paalala ng awtoridad sa mga umuutang, ugaliing magbayad sa pamamagitan ng partial o full payment. Para naman sa mga nagpapautang, mainam na gumawa ng kasulatan bilang katibayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments