Thursday, January 15, 2026

π—¦π—§π—”π—§π—˜ 𝗒𝗙 π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—§π—¨π—£π—”π—— 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—˜π—–π—›π—”π—šπ—¨π—˜

Cauayan City – Idineklara ng Pamahalaang Bayan ng Echague ang State of Public Health Emergency bunsod ng lumalalang fly infestation at mabahong amoy na nagmumula sa ilang poultry farm, na umano’y nagdudulot ng banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente.

Ayon sa inilabas na kautusan ng lokal na pamahalaan, pansamantalang ipinasara ang pitong poultry farm sa mga barangay ng Arabiat, Sta. Maria, San Manuel, Garit Norte, at San Antonio Minit matapos mapatunayang hindi sumusunod sa umiiral na mga batas at ordinansang pangkalusugan at pangkalikasan.

Inatasan ang mga nasabing pasilidad na agad itigil ang kanilang operasyon hanggang sa makakuha ng Clearance to Resume mula sa Local Pollution Adjudication Board.

Bilang bahagi ng ipinatupad na Executive Order, isinailalim din sa pansamantalang pagsuspinde ang renewal ng business permits ng lahat ng poultry at livestock farms sa buong bayan ngayong taon.

Ito ay habang isinasagawa ang isang municipality-wide compliance audit at mas pinaigting na Oplan Check-Up inspection upang matiyak ang pagsunod ng mga negosyo sa mga pamantayang pangkalusugan at pangkalikasan.

Nagbabala ang pamahalaang bayan na ang sinumang lalabag sa kautusan ay mahaharap sa kaukulang multa, posibleng pagkakakulong, at tuluyang pagbawi ng kanilang business permits.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan ng kooperasyon mula sa mga negosyante at mamamayan upang mapigilan ang paglala ng sitwasyon at maprotektahan ang kalusugan ng buong komunidad.

Source: Municipality of Echague

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments