Sunday, February 1, 2026

‎𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗝𝗢𝗡𝗘𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢


‎Cauayan City – Pormal nang binuksan ang Super Health Center (SHC) sa bayan ng Jones, Isabela upang palakasin ang serbisyong pangkalusugan at mailapit ang pangunahing gamutan sa mga residente.

‎Ang pasilidad ay resulta ng pagtutulungan ng Department of Health, Southern Isabela Medical Center, Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, at LGU Jones, na layong mabawasan ang pagsisikip sa mga ospital at mapabuti ang access sa serbisyong medikal lalo na sa mga malalayong lugar.

‎Nag-aalok ang SHC ng laboratory services, botika, lying-in, outpatient care, at PhilHealth services, na nakatuon sa abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa komunidad.

‎Ayon sa mga opisyal ng LGU at DOH, patuloy na palalawakin ang mga serbisyo ng pasilidad habang binibigyang-diin ang preventive care at pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan para sa mas ligtas at malusog na Jones.

‎Source: DOH CAGAYAN VALLEY

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments