𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔, 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗘 𝗕𝗢𝗡𝗨𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

Tinalakay sa ginanap City Development Council meeting ang ukol sa patuloy na pag-usad ng mga programa, proyekto at bonus ng mga empleyado nito matapos na maaprubahan ang 2024 annual budget.

Isa sa tinalakay ay ang muling pag-endorso sa Sangguniang Panlungsod ng P20,000 Service Recognition Incentive (SRI) ng mga regular employees at P5,000 Gratuity Pay ng mga job-order-employees upang bigyan ng aksyon at approval.

Nabanggit rin na nagkaroon na rin ng pagpupulong ukol dito noong nakaraang taon at binibigyan muli ng diskusyon para sa muling hiling sana ng approval mula sa Sangguniang Panlungsod.

Samantala, isa sa mga naging agenda sa naturang diskusyon ay ang Proposed Supplemental Annual Investment Program (SAIP) No. 1-2024, Proposed Supplemental Budget No. 1-2024, Socio-Civic Projects sa lahat ng barangay, Comprehensive Development Plan at Local Development Investment Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments