𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado ang isang trenta y otso anyos na tindero ng Isda sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Sta Barbara.

Ang nasabing suspek ay residente ng Barangay Ventenilla sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas dos ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang medium plastic Sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments