Nakaambang muli ang taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong darating na Semana Santa.
Asahan na papalo sa hanggang P2.50 ang umento sa Gasoline, hanggang P1.75 naman ang taas sa Diesel habang mayroon ding dagdag presyo sa Kerosene ng hanggang P1.60 sa kada litro ng mga nasabing produkto.
Sa kasalukuyan, umiiral ang taas-tapyas sa implementasyon ng oil price kung saan tumaas ng 10 cents ang Gasoline at bumababa naman ng 10 cents din ang Diesel, wala namang paggalaw sa Kerosene.
Inaasahan ang pag-anunsyo ng mga oil companies ng price adjustments sa sunod na linggo, March 25, at eepektibo sa kasunod na araw, March 26.
Samantala, ilang mga PUV drivers sa Pangasinan, hindi na umano nasurpresa sa taas-tapyas na presyo dahil patuloy na nararanasan ang ganitong siste, bagamat dismayado ang mga ito sa epekto nito sa kanilang arawang kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨