𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝟭.𝟰 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔

Umaabot sa 1.4 milyong pisong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa magkapatid sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Aguilar.

Ang mga suspek ay pawang dese nuebe at dise siete anyos na mga tubong Benguet.

Ikinasa ang buy bust operation pasado alas tres ng hapon sa barangay Poblacion na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng labing dalawang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 1.4 milyong piso.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng ifm dagupan, pansamantalang naninirahan lamang ang magkapatid sa nasabing bayan dahil nangungupahan lamang ang mga ito doon

Inaalam pa ngayon kung saan lugar galing ang nasabing mga Marijuana at kung sino-sino ang mga parokyano ng mga ito sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments