
βCauayan City β Tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang suspek sa iligal na droga at isang wanted person, ang naaresto ng Quirino Police Provincial Office sa magkakahiwalay na operasyon.
Sa Cabarroguis, nadakip si alyas βJuris,β na may warrant of arrest dahil sa paglabag sa PD 2018, Articles 38 at 39 ng Labor Code at economic sabotage.
βSamantala, sa Diffun naman, naaresto si alyas βMateoβ sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Brgy. San Isidro.
Huli naman na naaresto si alyas βJoel”, residente ng Aglipay matapos mahuli sa Barangay Villa Santiago na nagbebenta at nagdadala ng ilegal na droga.
βLahat ng naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang isinasailalim sa legal na proseso.
Source: QUIRINO PPO VALLEY COPS
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










