𝗧𝗔𝗧𝗟𝗨𝗠𝗣𝗨’𝗧-𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗔𝗥𝗠𝗔𝗖𝗜𝗦𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Naglabas ng abiso ang Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I para sa gaganaping Pharmacists Licensure sa darating na November 4-5, 2024.

Nasa tatlumpo’t-anim na mga aspiring Pharmacist sa Ilocos Region ang sasalang sa naturang eksaminasyon sa PRX RO1 Testing Rooms sa Brgy. Carmay East, Rosales.

Inaatasang dadalhin ang mga examinees ang kanilang Notice of Admission, mailing envelope, No. 2 pencil, black ballpen, basic calculator, long brown envelope, at transparent plastic envelope.

Pinaalalahanan ang mga ito na idownload na ang Examination Program tatlo o limang araw bago ang eksaminasyon upang maiwasan ang anumang aberya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments