𝗧𝗘𝗟𝗘𝗦𝗖𝗢𝗣𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗥 𝗚𝗔𝗭𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

CAUAYAN CITY – Bilang bahagi ng selebrasyon ng 31st National Astronomy Week, binuksan sa publiko ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division ang kanilang telescope para sa moon gazing at stargazing.

Sinabi ni Weather Specialist Engr. Romeo Ganal na ang pagbubukas ng kanilang telescope ay upang magamit ng mga astronomy enthusiasts na mas makita ng malapitan ang naggagandahang bituin at buwan sa kalawakan.

Aniya, taon-taon na itong ginagawa ng kanilang opisina partikular na tuwing panahon ng National Astronomy Week.


Marami naman ang natuwa sa ginawang inisyatiba ng ahensya lalo na nitong weekend lamang ay naranasan ang “moon apogee” o pinakamalapit na distansya ng buwan sa mundo.

Samantala, ang National Astronomy Week ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Pebrero kung saan ngayong taon ay may temang “Popularizing Astronomy in the Region through Science Education and Communication.”

Facebook Comments