Wednesday, January 14, 2026

𝗧𝗢𝗣 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗕𝗔𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

 

Cauayan City – Hindi na nakatakas pa sa kamay ng mga awtoridad ang isang rebelde nang maaresto ito sa pagitan ng mga awtoridad at mga rebelde sa Peñablanca, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, ang nadakip ay kinilalang si Alyas “Carding”, 27-anyos, kaanib ng makakaliwang grupong “Giya Pang Politica”, at itinuturing bilang Top Most Wanted Individual sa buong lambak ng Cagayan.

Nang matukoy ang lokasyon ni Alyas Carding ay agad nila itong bineripeka at dito natukoy na mayroong warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kasong RA 1147 o Anti Terrorism Act of 2020 at 2 counts of Attempted Murder na kinahaharap nito.

Tagumpay naman itong naaresto ng mga awtoridad at sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng kapulisan para sa dokumentasyon.

Facebook Comments