
βCauayan City – Nakatakdang muling buksan sa publiko ang CabaganβSta. Maria Bridge sa Marso 2, 2026, ayon sa abiso ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
β
βKalakip ng pagbabalik-operasyon ng tulay ang pagpapatupad ng mga limitasyon at safety measures para sa kapakanan ng mga motorista.
β
βTanging mga motorsiklo, traysikel, pampasaherong kotse, van at iba pang light vehicles ang maaaring tumawid.
β
βHindi dapat lumampas sa tatlong tonelada ang bigat ng sasakyan, habang 20 kilometro kada oras lamang ang itinakdang maximum speed. Mayroon ding 2.5 metrong vertical clearance para sa taas ng mga daraan.
β
βIpatutupad ang two-way traffic sa bahagi ng approach o waiting zone ng tulay, ngunit one-way traffic lamang sa mismong arch bridge.
β
βSamantala, maglalagay ng lifting belts sa mga kritikal na bahagi ng tulay at patuloy na imo-monitor ang istruktura laban sa anumang hindi pangkaraniwang galaw.
β
βTitiyakin din ang 24/7 na pamamahala ng trapiko ng Isabela 1st District Engineering Office upang maging maayos at ligtas ang pagbiyahe ng publiko.
Photo credit: ISABELA PIO
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










