𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Hatid ng Department of Agriculture (DA) Region 1 ang tulong pangkabuhayan sa mga magsasaka sa bayan sa pamamagitan ng agro-enterprises planning at workshop ng Ilocos Research for Development Initiative and Support Enhancement for Rice o I RISE 4 Rice.

Sumailalim ang asosasyon ng mga magsasaka sa pagsasanay na nakatutok sa produksyon at mga pagproseso sa mga isinasagawang agricultural services.

Saklaw pa nito ang pagsusulong sa Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) ng Agricultural Training Institute (ATI) ng DA na pagsasamahin ang mga ani tulad ng palay, mais at iba pa at layong mabenta ng mas madali sa merkado.

Nagpahayag naman ng suporta ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan alinsunod sa adhikain na matulungan ang mga magsasaka sa bayan at mapaunlad ng sektor ng agrikultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments