Muling idinadaing ng mga PUV drivers at operators sa lalawigan ng Pangasinan ang unstable o pabago-bagong presyo ng krudo ngayon.
Ito ay sa kabila ng umiiral na rollback bagamat may dagdag bawas naman na nakaamba sa susunod na linggo.
Ayon sa mga PUV Drivers, hindi pa raw bawi ang naranasang higit isang buwan na taas presyo ng petrolyo dahil kung magpatupad man ng rollback ay hindi naman daw ito tumatagal.
Dagdag pa ng mga ito na kasabay ng oil price ay ang nananatiling mataas na presyo ng pangunahing bilihin sa merkado.
Base sa 4 Day oil trading, posibleng may tapyas sa kada litro ng Diesel at Gasoline ng 30 hanggang 60 cents habang ang Gasoline naman ay maaaring may pagtaas na 20 hanggang 45 cents sa kada litro rin nito.
Muling magpapahayag ng oil adjustments ang mga oil companies sa susunod na linggo, araw ng lunes at maipatupad naman sa kasunod na araw. |πππ’π£ππ¬π¨