𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang isang wanted na lalaki matapos ang ikinasang manhunt operation ng mga otoridad sa Purok 2 Brgy. Bugallon, Ramon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Juan”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti Violence Against Women and Children kung saan P72,000 ang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments