CAUAYAN CITY – Binatikos ng China ang pagdaan ng barkong pandigma ng Canada sa Taiwan Strait, kamakailan.
Sinabi ng China na ang pagdaan ng nasabing warship ay isang uri ng pangha-harass at pagbabanta sa kapayapaan sa nasabing rehiyon.
Kaugnay nito, sa isang pahayag sinabi naman ng defense ministry ng Canada na ang frigate ng HMCS Montreal ay nagsagawa ng routine transit bilang bahagi ng naval exercise at pagpapakita ng commitment nito sa pagpapanatili ng kaayusan sa Indo-Pacific.
Sinabi naman ni People’s Liberation Army (PLA) spokesperson Li Xi na ang ginawang pagdaan ng HMCS Montreal sa Taiwan strait na inaangkin ng China ay sumira sa kapayapaan sa rehiyon.
Aniya, nakahanda umano silang tumugon sa kung ano man ang banta at provocations na magiging resulta nito.