
โCauayan City – Patay ang isang tricycle driver habang dalawa naman ang nasugatan matapos ang banggaan ng tricycle at kotse sa Barangay Namamparan, Diadi pasado alas-8 ng gabi noong Marso 20.
โAyon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Diadi, binabaybay ng kotse na minamaneho ng isang residente ng Cauayan City ang northbound lane, habang ang tricycle ay minamaneho ng 50-anyos na lalaki mula Poblacion, Diadi, na may sakay na dalawang babae.
โSa imbestigasyon, napag-alamang pumasok ang tricycle sa linya ng kotse sa isang pakurbadang bahagi ng kalsada na may double yellow line, na nagresulta sa head-on collision ng dalawang sasakyan.
โAgad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang driver ng tricycle.
โSamantala, nasa kustodiya na ng PNP ang driver ng kotse para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.
โSource: DWRV
โPhoto credit: NVPPO










