MALAWAKANG MARINE POLLUTION EXERCISE, ISASAGAWA NG COAST GUARD SA ILOCOS REGION

Inihahanda na ng mga government maritime agencies at iba pang stakeholder ang Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2026, isang malawakang inter-agency drill na nakatakdang isagawa sa ikalawang quarter ng 2026 sa Ilocos Region.

Layunin ng drill na palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa oil spill, pangalagaan ang marine ecosystems, at protektahan ang kabuhayan ng mga pamayanang nakadepende sa yamang-tubig ng rehiyon.

Bilang paghahanda, pinangunahan ng Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) ang Region 1 MARPOLEX 2026 Inter-Agency Coordination Meeting nitong nakaraang linggo sa Bauang, La Union.

Dito, nagtipon ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, maritime stakeholders, at partner institutions upang pag-usapan ang mga plano at palakasin ang koordinasyon sa operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments