Nagtalaga ang Department of Education (DEPED) Region 1 ng kanilang kawani na tutulong sa mga kaguruan sa rehiyon pagdating sa administrative tasks.
Ayon sa DEPED R1, nag-employ pa sila ng nasa 107 contract of service (COS) na personnel na itinalaga sa 149 na paaralan upang tulungan ang mga guro sa kanilang mga administrative tasks. Bukod sa COS ay may mga nakaagapay rin na mga non-teaching personnel tulad sa administrative office para tumulong.
Ito ang paraan ng kagawaran upang mabawasan ang dami ng mga trabahong iniinda at isinasagawa ng mga guro nang sa gayon ay matututukan nila ang pagtuturo sa kanilang mga hawak na mag-aaral. Sa kasalukuyan, mayroong 59,676 na teaching, teaching-related at non-teaching personnel sa buong rehiyon uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨