
βCauayan City – Tatlong dating miyembro ng Milisyang Bayan ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan sa Barangay San Antonio, Baggao, Cagayan, sa tulong ng 17th Infantry (Do or Die) Battalion ng 5th Infantry Division at ng lokal na pulisya.
β
βKinilala ang mga ito sa alyas na βNemo,β βBarako,β at βAmir,β na umanoβy kabilang sa East Committee ng Komprob Cagayan, Komiteng RehiyonβCagayan Valley (KR-CV).
β
βKasabay ng kanilang pagsuko ang pagturn-over ng isang shotgun na may tatlong bala ng 12-gauge at dalawang bala ng 40mm M203 grenade launcher.
β
βAyon sa militar, bunga ito ng pinaigting na community engagement, serye ng house-to-house visits, at maayos na pakikipagdayalogo sa mga residente na nagbukas ng daan para sa muling pagbabalik-loob ng mga dating rebelde.
β
βTiniyak din ng 17IB ang kanilang kaligtasan at pagpasok sa mga programang pangkabuhayan at ayuda ng gobyerno.
β
βBinigyang-diin ng 5th Infantry Division na patuloy ang kanilang kampanya laban sa insurhensiya sa Northern Luzon, habang isinusulong ang kapayapaan, kaayusan, at reintegrasyon ng mga dating kasapi sa komunidad.
β
βSource: 5th Infantry Division
βPhoto: 17 IB
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










