Monday, January 26, 2026

𝟯 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞, 𝟮 𝗞𝗢𝗟𝗢𝗡𝗚-𝗞𝗢𝗟𝗢𝗡𝗚, 𝗜𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗖𝗞-𝗨𝗣 𝗨𝗣 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡


Cauayan City – Wasak ang ilang sasakyan matapos na araruhin ng isang pick up truck sa National Highway sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team, kabilang sa mga sasakyang inararo ng pick-up ay ang dalawang truck, isang delivery truck, at dalawang kolong-kolong.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station na mabilis na binabaybay ng pick up truck ang daan patungo sa City Proper ng lungsod.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, una nitong nasalpok ang isa sa mga truck at sunod-sunod na ring naararo ang 4 pang sasakyan na nakaparada rin sa parehong lugar. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng pinsala ang mga ito habang wasak naman ang dalawang kolong-kolong.

Maswerteng minor injury lang ang tinamo ng mga sakay ng truck kayat hindi na kinailangan pang matagal sa pagamutan.

Samantala, ayon sa pulisya hindi na umano magsasampa ng kaso ang mga may-ari ng sasakyan matapos magkasundo na ang driver ng pick up truck ang magbabayad sa gastusin sa pagpapaayos ng mga nasirang sasakyan.

———————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments