𝟯.𝟰 π— π—œπ—Ÿπ—¬π—’π—‘π—š π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—–π—§π—˜π—— 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, π—žπ—’π— π—£π—œπ—¦π—žπ—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—›π—œπ—šπ—› π—©π—”π—Ÿπ—¨π—˜ 𝗧𝗔π—₯π—šπ—˜π—§ 𝗦𝗔 π—₯π—’π—¦π—”π—Ÿπ—˜π—¦

Timbog sa pinagsamang operasyon ng awtoridad kasama ang PDEA Regional Office 1, ang isang high value target sa isinagawang anti-illegal drugs buy bust operation sa Brgy. Carmen East, Rosales.

Arestado ang 45 anyos na caretaker ng isang construction supply sa lugar ngunit mula sa Navotas City na si Michael Tablizo Illut alyas “Asiong”.

Nakumpiska sa pagmamay-ari ng suspek ang sampung plastic ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 500 grams at nagkakahalaga ng P3.4 million. Kabilang dito ang 89 piraso ng machine copy 1,000 peso bill na boodle money, glass-tube pipe, weighing scale, at motor.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 na haharapin ng suspek. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments