𝟭𝟰 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead on arrival ang 14 anyos na binata mula Brgy. Pantal, Dagupan City nang dalhin sa pagamutan matapos umanong malunod sa isang resort sa San Carlos City.

Sa imbestigasyon, lumalangoy lang umano ang binata at nakikipaglaro sa mga kaibigan nang hindi na umahon makalipas ang limang minuto.

Agad namang isinalba ng lifeguard sa resort at nagsagawa ng CPR. Itinakbo pa ng CDRRMO ng San Carlos ang binata sa Pangasinan Provincial Hospital ngunit idineklarang pumanaw na.

Naiuwi na ang bangkay ng biktima sa tirahan nito at kasalukuyang nilalamayan ng naghihinagpis na pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments