𝟯𝟵 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢; 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗕𝗛𝗔

Muling nakapagtala ang Rehiyon Uno ng panibagong kaso ng Corona Virus Disease 19 (COVID19)  nito lamang nakaraang linggo.

Base sa pinakahuling update ng Department of Health-Center for Health Development Ilocos Region, mula Disyembre 17-23, 2023, 39 na bagong kaso ang naitala sa rehiyon at nasa 6 na kaso kada araw ng daily average cases ang naitalala kung saan mas mataas ng 21.9% ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 10-16, 2023.

Samantala, nitong ika-23 ng buwan, may dalawang pasyente ang nakakaranas ngayon ng malubha at kritikal na sitwasyon at kasalukuyang nananatili sa hospital dahil sa COVID-19.

Dahil sa mga naitatalang kaso sa rehiyon, okupado ng mga ito ang (8%) ICU Beds na katumbas ng 18 mula sa kabuuang ICU Beds na sa 221.

Ginagamit din sa kasalukuyan ang 39 (2%) ng 1682 non-ICU COVID-19 beds sa Ilocos Region.

Dahil sa mga naitatalang kaso muling nagpaalala ang ahensya na huwag isantabi ang mga nakagawiang pamamaraan upang maiwasang makakuha ng sakit lalong lalo na ngayong holiday season na maraming tao ang gumagalaw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments