Muling isinagawa ang taunang pagpapamalas ng tibay, lakas, diskarte, at katatagan ng mga manlalarong mag-aaral sa 4th Congressional District Sports Tournament na ginanap sa bayan ng Mangaldan, nitong Enero 16-17.
Sa muling pagbabalik ng taunang patimpalak, nagtagisan ng galing ang mga manlalaro sa iba’t-ibang sport events tulad ng athletics, taekwondo, at iba’t-ibang ball games tulad ng basketball, volleyball, football, at iba pa.
Nilahukan ang naturang kaganapan ng mga mag-aaral ng pampublikong elementarya at high school mula sa apat na bayan ng ika-apat na distrito, ito ay ang mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, at Manaoag.
Samantala, naghayag naman ng pagsuporta ang alkalde ng host na paaralan, na si Mayor Bona Fe De Vera- Parayno, sa pagbibigay ng 100,000 pesos cash assistance na kanilang magagamit sa nasabing patimpalak. Gayundin ang pagpapagamit sa mga pasilidad na pagmamay-ari ng kanilang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨