
โCauayan City – Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Diadi Municipal Police Station ang isang lalaki matapos ang pagpapatupad ng isang search warrant bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa loose firearms.
โSa operasyon, naaresto ang suspek na si alyas “Gabo”, 52-anyos na residente ng Brgy. Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.
โNasamsam rin mula sa kanyang tahanan ang isang kalibre .38 revolver na may serial number, tatlong bala ng parehong kalibre, at isang pulang holster.
โIsinagawa ang paghahalughog nang maayos at mapayapa, na may wastong dokumentasyon at pagtalima sa mga umiiral na alituntunin, kabilang ang paggamit ng body-worn cameras.
โMatapos ang operasyon, ipiinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Diadi Police Station para sa kaukulang proseso,
โNahaharap naman ang suspek sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
โSource: Diadi Mps
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










