Mas paiigtingin ng kapulisan sa Pangasinan ang pagbabantay nito sa mga pampublikong lugar ngayong Holiday Season.
Ayon sa isang panayam kay Pangasinan Police Provincial Office, Provincial Director PCOL, Rollyfer Capoquian, sa tuwing holiday season nararanasan aniya ang pagtaas ng nakawan at iba pang klase ng pananamantala.
Dahil dito,mahigpit ang pag-iimplementa ng kanilang hanay na dapat umabot sa 85% ng kapulisan ang nasa pampublikong lugar.
Aniya, mayroong nakahanda ring public assistance desks sa mga munisipalidad at siyudad para sa mas mabilis na pagtugon sa mga krimen.
Samantala, ilan lamang sa tututukan ng pulisya ay ang mga bus terminals, simbahan, palengke, malls, at maging sa mga tourist destinations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments