₱126M NA HALAGA NG DANGEROUS DRUGS, SINIRA NG PDEA REGION 1 SA BACNOTAN, LA UNION

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office I (PDEA ROI) at PDEA Regional Office-Cordillera Administrative Region (PDEA RO-CAR) ang ₱126,106,411.224 halaga ng illegal drugs sa Geocycle ng Holcim Philippines Incorporated sa Bacnotan, La Union.
Ang aktibidad na isinagawa ay isang joint destruction ceremony ng mga nakumpiskang drug evidence sa panahon ng anti-drug operations at ang mga itinurn-over ng mga awtoridad na kamakailan ay iniutos ng korte na sirain.
Ang mga winasak na drug evidence sa pamamagitan ng thermal destruction ay P29,367,939.90 para sa PDEA ROI, habang P96,738,471.324 ang halaga ng PDEA RO-CAR na binubuo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, marijuana, kush, ecstasy, liquid marijuana, at liquid shabu.

Ang thermal destruction o thermolysis, ay ang paraan ng decomposition o pagkasira ng kemikal sa pamamagitan ng init. Ang temperatura ng decomposition ng isang substance ay nasa 1,000 degrees centigrade, kaya, ang lahat ng mga mapanganib na gamot ay ganap na nabubulok o nasira.
Pinuri ni Regional Director Ronald Allan D Ricardo ang pagsisikap ng iba’t ibang sangay ng Regional Trial Courts (RTCs) para sa mabilis na pag-uusig at disposisyon ng mga kaso sa droga na nagdulot ng agarang pagkawasak ng mga ilegal na droga na hindi na kailangan bilang ebidensya sa korte.
Ang pagsira sa mga dangerous drugs ay alinsunod sa mga alituntuning itinakda
sa pag-iingat at disposisyon ng mga nasamsam na mapanganib na gamot na kinakailangan sa Seksyon 21,
Artikulo II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002. | ifmnews
Facebook Comments