BARANGAY ELECTION NGAYONG TAON, PINAGHAHANDAAN NA NG COMELEC DAGUPAN

25

Pinaghahandaan na ng Commission on Elections Dagupan City ang pagsasagawa ng Barangay Election ngayong taon.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento, City Election Officer, nagsasagawa na ng inventory ang kanilang opisina sa mga kakailanganin sa nakatakdang halalan sa barangay.

Nakatakda ding magbukas muli ang voter’s registration sa darating na Hulyo.

Pakiusap ni Sarmiento kung magbubukas itong muli iwasan ang Maña Habbit upang makapagparehistro.

Sa kabila ng mga pagsusulong na ito ay ipagpaliban na muna sinabi ng opisyal na hanggat walang bumabang batas ito ay matutuloy ngayong taon. | ifmnews

Facebook Comments