Naniniwala ang pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na mapapalakas ng mga magsasaka sa Balamban, Cebu ang kanilang agricultural productivity dahil sa pagsasagawa ng turnover ng DAR at National Irrigation Agency (NIA) ng ₱2 milyong Communal Irrigation System o CIS sa kanilng lugar.
Ayon kay Provincial Agrarin Reform Program Officer II Grace Fua, ang nasabing proyekto ay malaking kapakinabangan upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga magsasaka sa bansa.
Ang CIS ng Bayong Small Irrigation Project ay ipinamahala sa mga opisyal at kasapi ng Bayong Lamesa Irrigators Association Inc., kung saan ang Bayong Small Irrigation Project ay magsisilbi sa mahigit 50 ektarya ng lupa at pakikinabangan ng mahigit 124 kabahayan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARB sa mga barangay ng Lamesa, Vito at Cansomoroy.
Paliwanag pa ni Fua na sa pagtatayo ng proyektong patubig, tataas ang produksyon sa agrikultura ng mga ARB dahil sa sapat na tubig na kailangan ng kanilang mga pananaim.
Dagdag pa nito na itinayo ng NIA ang mga irrigation pipeline at structures upang mapatubigan ang mga high-value crops sa bulubunduking lugar sa Balamban.
Giit pa ng opisyal na dahil sapag-unlad na ito, ang mga magsasaka ay inaasahang magkakaroon ng mas malaking kita mula sa kanilang mga sakahan.