Matinding init ng panahon, patuloy na mararanasan sa ilang lugar sa bansa

Pinag-iingat pa ng PAGASA-DOST ang publiko dahil makakaranas pa rin ng matinding init ng panahon sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa 5-day forecast ng PAGASA, papalo sa 23° celsius ang heat index o init na nararamdaman ng katawan ng isang tao sa Baguio City habang 38° celsius naman sa Cotabato.

Samantala, inaasahang papalo sa 56° celsius ang heat index sa Catbalogan City, sa Samar bukas, bago bahagyang bumaba sa 51° celsius sa miyerkules.


Kahapon, naitala ang 46° celsius na heat index sa Legazpi City na pinakamainit sa bansa habang 24° celsius naman sa Baguio City.

Kahit mainit, ilang lugar naman sa bansa ang uulanin dahil sa easterlies at localized thunderstorms kabilang na dito sa Metro Manila.

Facebook Comments