₱3 billion na pondo para sa mga apektado ng Bagyong Aghon, nakahanda na ayon kay PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakahanda na ₱3 billion halaga ng standby funds para sa pangangailangan ng mga apektado ng Bagyong Aghon.

Higit ₱2 billion dito ay nakalaan para safood and non- food items.

Ayon kay Pangulong Marcos, nais nitong matiyak na maipatutupad ang mas malawak at mabilis na paghahatid ng tulong para sa nasalanta ng kalamidad.


Kabilang sa mga nakahandang ipamahagi ang mga prepositioned goods at stockpiles.

Dagdag pa ng pangulo, nakapagbahagi na rin ang gobyerno ng higit P1.2 milyong humanitarian assistance para sa mga naapektuhan ng Bagyong Aghon

Tiniyak din nito ang kahandaan ng ibat- ibang ahensiya para masigurong maayos ang kalagayan ng mga Pilipino.

Facebook Comments