Ipatutupad sa susunod linggo ang asynchronous distance learning matapos na magkaroon ng sunod sunod na suspension of classes ang mga public school nitong mga nakaraang linggo.
Ang pagpapatupad nito ay para mabigyan na sapat na oras ang mga learners para makumpleto ang kanilang mga nakabinbin na asignatura, proyekto, at ilan pang kinakailangan lalo at hinahabol ang pagtatapos ng school year.
Ang ilang magulang sa Dagupan City, sang-ayon naman sa pagpapatupad ng naturang uri ng pagsasagawa ng klase dahil kailangan na rin na mahabol at maibalik ang old school calendar.
Hindi na rin kasi kakayanin ng mga estudyante kung magpapatuloy pa ang ganito umanong klase ng school year calendar.
Samantala, optional naman sa mga private school institutions kung gugustuhin nilang sundin ang naturang learning mode o hindi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨