‘𝗗𝗔𝗡𝗚𝗘𝗥𝗢𝗨𝗦’ 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪, 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔

Nasa anim na lugar sa bansa ang posibleng makaranas muli ng mataas na heat index ngayong araw, April 12, 2024, ayon sa PAGASA.

Ayon sa 5PM forecast ng PAGASA, inaasahang mararamdaman ang heat index na naglalaro sa 41 hanggang 44°C ang mga sumusunod:

Dagupan City – 44°C
Bacnotan, La Union – 43°C
Puerto Princesa City, at Aborlan sa Palawan – 42°C
Catarman, Northern Samar – 42°C
Cotabato City – 42°C.

Inaasahan na patuloy na mararanasan ang maalinsangang init ng panahon maging ang pagkakatala ng matataas na heat index dulot ng Easterlies kasabay ng pagpasok ng panahon ng tag-init sa bansa.

Samantala, ang nararanasang 42°C – 51°C na heat index ay pasok sa danger level kung saan posible ang ilang heat-related illnesses tulad ng heat cramps at heat exhaustion. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments