𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗜.𝗖.𝗘. 𝗔𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗡𝗘𝗔𝗣𝗢𝗟𝗜𝗦; 𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧𝗔



Cauayan City – Libu-libong katao ang nagprotesta sa lungsod ng Minneapolis matapos mabaril ng isang U.S. Immigration and Customs Enforcement ang isang 37-anyos na babae.

Ang kilos-protesta ay bahagi ng mahigit 1,000 rally na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos laban sa pinaigting na deportation drive ng pamahalaan.

Ayon sa mga opisyal ng Minnesota, hindi makatwiran ang pamamaril, batay sa bystander video na umano’y nagpapakitang papalayo na ang sasakyan ni Renee Good nang siya ay paputukan.

Iginiit naman ng Department of Homeland Security (DHS) na kumilos ang ahente bilang depensa sa sarili at sinasabing pinaandar ni Good ang sasakyan patungo sa direksyon ng ahente matapos siyang utusang bumaba ng sasakyan.

Ang insidente ay naganap kasunod ng pagdeploy ng humigit-kumulang 2,000 federal officers sa Minneapolis-St. Paul area, na ayon sa DHS ay pinakamalaking operasyon ng ahensya sa kasaysayan.

Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng administrasyon ni Donald Trump at ng mga Demokratikong lider ng Minnesota.

Patuloy ang panawagan ng publiko para sa hustisya para kay Renee Good at para sa masusing imbestigasyon sa mga operasyon ng ICE sa gitna ng lumalawak na protesta sa buong bansa.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments