Monday, January 26, 2026

𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗜𝗡𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗘𝗗𝗘𝗦

 

Cauayan City  — Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking akusado sa pitong bilang ng kasong may kaugnayan sa Acts of Lasciviousness at Lascivious Conduct sa isang menor de edad, paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sa Barangay Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ellio,” 42 taong gulang, laborer, residente ng Barangay Buracan, Sagñay, Camarines Sur at pansamantalang naninirahan sa Barangay Bannagao, Aurora, Isabela.

Nahaharap ang akusado sa tatlong bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng ng RA 7610 na may inirekomendang piyansa na ₱180,000.00 bawat kaso, at apat na bilang ng Lascivious Conduct sa ilalim ng parehong batas na may piyansang ₱200,000.00 bawat kaso.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at isinailalim sa kaukulang legal na proseso.

———————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

 

Facebook Comments