Tuesday, February 3, 2026

π—•π—¨π—¦π—œπ—‘π—˜π—¦π—¦ π—’π—‘π—˜ 𝗦𝗧𝗒𝗣 𝗦𝗛𝗒𝗣, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—€π—¨π—˜π—­π—’π—‘, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”


β€ŽCauayan City – Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon ang pagbubukas ng Business One Stop Shop (BOSS) 2026, isang inisyatiba na layong pabilisin at gawing mas madali ang proseso ng pagpaparehistro at pag-renew ng mga negosyo sa bayan.

β€ŽSinimulan ito nitong Enero 2 at magtatapos hanggang Enero 20, 2026 sa Municipal Grounds, katabi ng COMELEC at PNP Quezon Station, kung saan maaaring magtungo ang mga negosyante upang asikasuhin ang kanilang mga kinakailangang permit at dokumento.

β€ŽSa pamamagitan ng iisang lokasyon, mas pinasimple ang transaksyon para sa mga entrepreneur at micro, small, and medium enterprises (MSMEs), na nagbibigay-daan sa mas mabilis, epektibo, at maayos na serbisyo publiko.

β€ŽAng BOSS 2026 ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng LGU Quezon na maghatid ng transparent at business-friendly na pamamahala.

β€ŽSource: LGU QUEZON, ISABELA
————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments