Wednesday, January 28, 2026

π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š π—¦π—”π—§π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—œπ—§π—˜ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π——

β€Ž
β€ŽCauayan City – Inilabas na ng COMELEC Cauayan ang mga lugar kung saan isasagawa ang Satellite Registration para sa buwan ng Pebrero.
β€Ž
β€ŽKabilang sa mga lugar ang Brgy. Maligaya kung saan gaganapin ito sa kanilang Community Center sa ika-3 ng Pebrero, Brgy. Andarayan, Bugallon, at Union naman sa ika-4 na gaganapin sa Union Community Center, sa ika-5 naman ang Brgy. Turayong na gagawin sa Cauayan City National High School – Main Campus, habang sa ika-10 naman sa Mabantad Community Center.
β€Ž
β€ŽMaliban dito, magiging venue rin ng satellite registration ang Carabatan Grande sa ika-12 ng Pebrero, sa Cabaruan Community Center naman sa ika-16, District 1 naman ang may schedule sa ika-19 ng Pebrero, at sa ika-26 naman ang Brgy. Sillawit.
β€Ž
β€ŽMay itinakdang araw din para magparehistro ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa ika-24 ng Pebrero.
β€Ž
β€ŽAyon kay Election Officer Atty. Johanna Vallejo, magtatagal ang kanilang aktibidad hanggang ika-18 ng Mayo ngayong taon.
β€Ž
β€ŽLayunin ng satellite registration na mailapit sa mga kababayang nasa malayong lugar ang pagpaparehistro upang sila’y makaboto sa nalalapit na Barangay and SK Election.
β€Ž
β€ŽBukas naman ang opisina ng COMELEC Cauayan mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments