Himas ng rehas ang kinahantungan ng TOP 2 at TOP 3 most wanted person sa Rosales Police Station.
Sa bisa ng warrant of arrest, nahuli sa parehas na operasyon ang mga suspek na nagkakaedad ng 21 at 24 taong gulang sa pagkakasangkot sa Large Scale Estafa committed by a syndicate. Parehong walang kaukulang piyansa ang kasong kinakaharap ng dalawa.
Markadong arestado sa talaan ng PNP E-warrant at National Police Clearance System ang dalawa. Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Rosales Police Station ang mga suspek para sa tamang disposyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments