𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Patay ang isang bente siyete anyos na lalaki matapos bumangga ang sinasakyan nitong motor sa isang nakaparadang truck sa bayan ng Binmaley.

Ang biktima ay nakilalang si Charles Lazo residente ng Urdaneta City.

Naganap ang aksidente pasado dose ng hating-gabi sa Brgy. Biec sa nasabing bayan kung saan ay aksidenteng nabangga ng Motor ng biktima ang Isang truck na nakaparada sa gilid ng kalsada na naging dahilan ng pagtilapon nito.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments