Saturday, March 7, 2026

๐—™๐—”๐—ฅ๐— -๐—ง๐—ข-๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฉ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—ญ๐—–๐—”๐—ฌ๐—”, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข๐—ก๐——๐—ข๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐Ÿฑ-๐— 

โ€ŽCauayan City – Nakipagtulungan ang Department of Agriculture (DA) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya kaugnay sa pagpapatupad ng Farm-to-Market Road (FMR) projects sa iba’t ibang bayan ng probinsya.

Pinondohan ng proyekto ng kabuuang P255 milyon sa lalim ng national budget 2026, na isasagawa sa mga bayan ng Bambang, Sta. Fe, Aritao, Kasibu, Alfonso Castaneda, Villaverde, Kayapa, at Bayombong kung saan bawat proyekto ay nasa pagitan ng P15 milyon hanggang P30 milyon.

โ€ŽNagpasalamat si Governor Jose Gambito sa pagtitiwala ng DA at sinabi na makatutulong ang pakikipagtulungan sa LGU para maiwasan ang mga โ€œghost projectsโ€ na naging isyu sa nakaraang flood control scandal.

โ€ŽTiniyak rin ni Governor Gambito na kayang ipatupad ng provincial government ang mga proyekto nang maayos, may mahigpit na monitoring, at makikinabang ang mga magsasaka at ibang stakeholder sa probinsya mula sa tamang pagpapatupad ng mga FMR projects.

Samantala, โ€Žayon kay DA Executive Director Rosemary Aquino, ang mga FMR projects ay ipapatupad sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement sa mga kwalipikadong lokal na pamahalaan, alinsunod sa 2026 General Appropriations Act.

source: PIA Nueva Vizcayaโ€Ž

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments