Thursday, April 16, 2026

REGISTRATION PARA SA KIDS SUMMER ARTS PROGRAM 2026, PORMAL NANG ISINARA

Pormal nang isinara ang registration para sa dalawang batch ng Kids Summer Arts Program 2026 matapos mapuno ang lahat ng slot dahil sa mataas na bilang ng mga nagpatala.
Ayon sa mga organizer, umabot sa inaasahan ang partisipasyon ng mga magulang at kabataang nais sumali sa naturang programa, dahilan upang agad na mapuno ang lahat ng available na slots.
Ipinahayag din ng pamunuan ang kanilang pasasalamat sa ipinakitang suporta at interes ng publiko, lalo na ng mga batang nagnanais malinang ang kanilang kakayahan sa sining ngayong tag-init.
Samantala, hinikayat naman ang mga hindi nakapagparehistro na manatiling nakaantabay sa mga susunod pang programa at aktibidad na kanilang ilulunsad.
Inaasahang magiging makabuluhan at puno ng pagkatuto ang naturang summer arts program para sa mga kabataang kalahok ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments