LAHAT NG TUMAKAS NA PUGANTE SA SUAL POLICE STATION, NASAKOTE NA SA LOOB NG WALA PANG 72 ORAS

Matagumpay na naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang lahat ng tatlong Persons Under Police Custody (PUPCs) na tumakas mula sa Sual Police Station noong Abril 12, 2026, sa isinagawang mabilis na manhunt operation na tumagal ng wala pang 72 oras.

Ayon sa PPO, agad na naglunsad ng malawakang operasyon sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang yunit ng pulisya kabilang ang intelligence at mobile forces, SWAT, at RMFB1. Gumamit din ng CCTV footage at koordinasyon sa mga lokal na opisyal upang matunton at maaresto ang mga tumakas.

Ang huling akusado ay naaresto sa tulong ng mga operatiba at lokal na pamahalaan ng Sual, Pangasinan.

Kasabay nito, pinuri ng pamunuan ng PPO ang mabilis na pagtugon at koordinasyon ng mga operatiba at LGU, na nagresulta sa agarang pagkakabawi sa mga pugante.

Tiniyak ng pulisya na haharap sa tamang kaso ang mga naaresto at muling iginiit ang kanilang mahigpit na kampanya para sa seguridad at kaayusan sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments