
Cauayan City – Nanatili sa ika-36 na puwesto ang Gilas Pilipinas sa pinakabagong FIBA world rankings matapos ang ikalawang window ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.
Ayon sa update, hindi nagbago ang ranggo ng pambansang koponan ng Pilipinas kahit natalo ito sa dalawang laban na ginanap sa Maynila laban sa New Zealand Tall Blacks at Australia Boomers.
Natalo ang Gilas sa score na 69-66 na laban sa Tall Blacks noong Huwebes, bago sila tambakan ng Boomers sa score na 93-66, noong Linggo.
Matatandaang bumagsak sa ika-37 puwesto ang Pilipinas sa rankings noong Setyembre 2025.
Gayunman, nakabawi ito at umakyat sa ika-36 na puwesto sa update noong Disyembre 2025 matapos ang magkasunod na panalo laban sa Guam national basketball team.
Samantala, nanatiling nangunguna sa Asia ang Australia Boomers na hawak pa rin ang ika-6 na puwesto sa buong mundo.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










