Cauayan City – Higit P13-M ang halaga ng ipapamahaging allowance ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga Isabeleño Scholars.
Ngayong araw, ika-16 ng Oktubre ay kasalukuyan na ang ginagawang pamamahagi ng allowance sa mga Isabeleño Scholars mula sa bayan ng Cabatuan, San Manuel, at Roxas Isabela.
Samantala, aabot naman sa higit 4000 ang bilang ng mga scholars mula sa nabanggit na mga bayan ang makakatanggap ng kanilang Scholarship Allowance para sa 2nd semester ng academic year 2022-2023, at 1st Semester ng Academic Year 2023-2024.
Maliban dito, isasabay rin ang pamamahagi ng ayuda sa mga benipesyaryo ng I-RISE Livelihood Assistance Program.
Facebook Comments