π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—‘π—’π—–π—›π—˜ π—•π—¨π—˜π—‘π—” π—œπ—§π—˜π— π—¦, π—‘π—”π—šπ—§π—”π—”π—¦ π—‘π—š 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π——π—§π—œ π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

May mga bahagyang pagtaas sa presyo ng mga Noche Buena items sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ito ang kinumpirma ni Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa opisyal sinabi nito na sa kanilang inilabas na datos ng price guide, ilang sa mga ito ay may mga napansin na pagtaas.

Bagamat ang maganda dito aniya ay may mga produkto na magkakatulad at magkakaiba ng presyo kung kayat may options ang mga kababayan na pumili.
kaugnay nito ay ang pagtutok ng ahensiya sa mga posibleng lumabag dito kung saan ay may mga napadalhan na aniya sila ng mga sulat upang pagpaliwanagin at balaan sa mga paglabag sa nasabing price guide.
Sa huli ay hinikayat ang mga Pangasinense na tiyakin ang kaligtasan lalo na sa mga bibilhing mga produkto upang maiwasan ang aberya sa pag gunita ng Kapaskuhan at Bagong Taon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments