𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔; 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢, 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡

Kahit pumasok na ang buwan ng Disyembre, hindi pa rin nakitaan ng paggalaw sa presyo ang mga prutas sa lalawigan ng Pangasinan gayong isa ito sa mga tinatangkilik ng mga Pilipino tuwing sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan at Bagong taon.
Ito ang inihayag ng ilang nagbebenta ng mga prutas sa Lungsod ng Urdaneta kung saan sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Melanie Pergado na normal pa rin ang presyo ng prutas.
Inaasahan aniya na sa pagsapit ng ikalawang linggo ng Disyembre ay dito na unti-unting mararamdaman ang mga presyo ng prutas.

Samantala, ang presyo ng mga prutas ngayon gaya ng mansanas, orange ay P10 isang piraso, P40 kada ¼ naman ang ubas, rambutan P60, Longgan – P50, pakwan 120 kada kilo at marami pang iba.
Hinikayat naman ni Melanie ang mga mamimili na bumili ng prutas makakatulong ito na mapalusog ang pangangatawan ng sinumang kakain ng prutas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments